Paano Gumawa ng Puto
2 tasa All Purpose Flour, sinala sa strainer
2 tbsp Baking Powder, sinala sa strainer
2 itlog
3 patak* Vanilla Flavor (Green Leaves brand)
1 tasa sugar
7 tbsp butter (Anchor)
3/4 tasa Evaporated Milk
1 tasa ng tubig
Cheddar Cheese (gumamit ng eden cheese kung gusto ng medyo tunaw na keso sa puto)
*Ang Green Leaves flavoring ay masyado matapang ang amoy, kaya ilang patak lamang ang dapat ilagay kung ihahambing sa ibang brand.
MGA PROSIDYUR
1) Sa isang maliit na bowl, tunawin ang isang stick na butter sa microwave (30-40 seconds) or tunawin sa kalan at gumamit ng isang sauce pan. Kailangan po natin ng 7 tbsp na tunaw na butter
2) Isalin ang tinunaw na butter sa isang malaking mangkok, ilagay ang 2 itlog at ½ tasa ng asukal. Gumamit at haluin ng whisk or beater. Ok lang po kahit walang electric beater.Pagkatapos ihalo na po ang 1 tasa ng evaporated milk, at kurot ng asin.
3) Idagdag at ihalo ang 2 tasa ng all purpose flour at 2 tbsp ng baking powder. Haluin mabuti at idagdag ang vanilla flavor at unti unting idagdag ang 1 cup na tubig.
4) Ang lapot po ng mixture natin ay dapat katulad ng sa pancake batter. Sakto lamang po ang halo at hindi dapat kulangin or sumobra sa halo para hindi mawala ang mga bubbles or hangin sa batter or mixture. Ginamitan ko po ng electric hand mixer kaya mabula sya. Kapag mabula po, mas magiging fluffy or maalsa ang puto.
5) Dahan dahan ibuhos ang puto batter sa puto moldings. Huwag po itong pupunuin, mga 3/4 lamang ng molding. Dahil aalsa pa po ang puto. ilagay sa ibabaw ang hiniwang keso, dapat parihaba at hiniwa ng magkakasukat. Isantabi muna.
6) Ihanda ang steamer, lagyan ng tubig ang ibabang bahagi ng steamer. Pakuluin.
7) Kapag kumukulo na ang tubig, saka ipatong ang tray ng steamer kasama ng mga nakasalansang na puto molds na may mixture.
8) Maglagay po ng puting cloth on top ng steamer at takpan para hindi matuluan ang puto ng tubig ng steamer, upang hindi mahilaw at masabawan ang puto batter.
9) Steam po natin ng 15 minutes sa mababang apoy at takpan maigi. Huwag sisilipin hangat di umabot sa 15 minuto para hindi mahilaw.
10.) Para malaman kung luto na, tusukin ang gitna ng puto ng toothpick. Kapag walang dumikit na malagkit sa gilid ng toothpick ay luto na po ito.